Friday, August 17, 2012

Ang Aking Karanasan Bilang Isang Mag-aaral sa ABE International Business College




Isa sa pinakamagandang karanasan sa aking buhay ay ang pag-aaral ko sa ABE Cainta. Dito ay madami akong natutunan hindi lamang leksyon sa mga aralin kundi maging ang leksyon sa pakikipagkapwa tao. Ang paaralang ito rin ang masasabi kong isa sa mga humubog sa aking pagkatao at luminang sa aking mga kakayahan. 

Ang ABE ay isang paaralan ng kolehiyo na kung saan ito ay matatagpuan sa Cainta. Hindi man ito ang nangunguna ay maihahanay mo naman ito sa pinakamagagaling na paaralan sa pilipinas. Ito ay nag aalok ng mga kursong BS Accountancy, BS Tourism, BS Hotel and Restaurant Management, at BS Information System. BS Information System ang kursong kinuha ko. Natatandaan ko pa ang unang beses ang pagpasok ko dito. Kinakabahan ako na baka hindi maging magandaang unang araw ko dito.  Nawala lahat ang aking mga agam-agam noong pumasok na ako. May mga nakasundo kaagad akong mga kamag-aral. Mabait din ang aming mga naging propesor, madali lang silang lapitan at hindi laging naka simangot. Tungkol naman sa paaralan, kaagad akong namangha at nawili sa pag aaral dito. Mayroon silang mga kagamitan na tutugon sa mga pangangailangan ng bawat mag-aaral. Computer laboratory para sa mga IT, kitchen para sa mga HRM, Moc Hotel, at iba pa. Hindi lang yon, fully aircon din ang bawat room nito. Sa pagkakatanda ko nga dati ay lagi akong may dalang jacket dahil sobra talagang lamig sa loob ng klase. Nagustuhan ko din ang paraan ng pagtuturo nila dito wala silang kahit sinumang mag-aaral na pinapaboran. Patas lang ang pagtrato nila sa amin. Marahil ay isa din ito sa mga dahilan kung bakit ako naging masaya sa buong taon ng aking pag-aaral.  

Matapos kong mabatid lahat ng magagandang katangian ng paaralang aking napasukan ay kaagad ko noong nabanggit sa sarili ko ang mga katagang " Aba mukhang mawiwili akong mag-aral dito at mukhang dito na din ako makakapagtapos ng aking pag-aaral". Ang mga salitang ito na aking binitawan ay pawang mga nagkatotoo. Ngayon kasi ay nasa ika-apat na taon na ako sa aking kurso. Ilang buwan na lamang ang aking hinihintay at makakapagtapos na ako. Kapag mayroon ding mga taong nagtatanong sa akin kung saang paaralan ako nag-aaral ay taas noo kong sinasabi na "Sa ABE ako nag-aaral, ABENISTA ako".